Wednesday, March 1, 2017

PAANO MO MALALAMAN NA MAY CRUSH SAYO ANG ISANG BABAE?






Di niya magawang makatitig sayo.   Nahihiya kasi kaming mga babaeng tumingin sa gusto namin. Ayaw kasi naming mahalata kami. Namumula kami pag nahuling nakatingin sa crush namin.


Pag may favor ka sa kanya, agad niyang gagawin.  Syempre crush ka niya. Gusto niyang magkaroon ng good impression at gusto nyang marealized mo na she's always there for you. In short, gusto niyang maging close kayo.


Lagi syang nandyan kung saan ka. I'm telling you this, kung napapansin mo yung presence niya kung saan ka. Hindi yan coincidence, talagang sinasadya niyang dun tumambay para makita ka niya. Vitamins sa mata kumbaga . 

Pag tinutukso sya ng mga kaibigan niya pag andyan ka. Kung napapansin mo na tinutukso sya ng mga kaibigan nya pag andyan ka. Crush ka nun. Ibig sabihin nun pinag uusapan ka nila minsan. 


Mabilis pa sa kidlat kung magreply sya sa text o chat mo . Sa totoo kasi, lagi nilang inaabangan yang mga text mo, kaya pag nagtext ka sa kanila, para yan silang sinapian, may iba tatalon, may iba di mapakali, basta lahat sila mapapangiti pag nakita yang pangalan mo sa inbox nila. Isang text mo lang, rereplyan ka agad niyan. Yung mga walang load, magpapaload yan. Gusto ka kausap lagi niyan. 


Palaging nakangiti pag nakikita mo siya. Asset kasi ng girls yung smile nila. Feel kasi ng girls maganda sila pag naka smile sila. Kaya syempre pag nandyan si crush, automatic na gogood mood ang girls. Iba smile nyan pag crush ka nyan. Ma fefeel mo yan.


Nahuhuli mo syang nakatingin sayo. Pag crush mo kasi yung isang tao, kahit gano pa sya kalayo sa pwesto mo, makikita't makikita mo talaga sya.So pag napansin mong laging nakatitig yung babae sayo tas biglang iiwas kapag nahuli mo, yun na yun bruh.

Mapapansin nya agad kung may bago sayo . Memorize na niya mukha mo kaya kahit slight changes, mapapansin niya talaga. For example, pag nagpagupit ka ng buhok. 



Ito lang muna . I'll keep you updated soon :)

2 comments: